Thursday, November 16, 2017

Ryan Bang Accidentally Shared Confidential Information to Danica Sotto. Ano Kaya Ito?


Sa episode ngayon November 16, 2017 ng It's Showtime, ibinuking ni Vice Ganda na may nasabing confidential information details si Ryan Bang kay Danica Sotto sa madlang people.




Ayon kay Vice, noong nandoon sila sa New Zealand para sa kasal nina Anne at Erwan, nagkakuwentohan ang mga It's Showtime hosts kina Danica Sotto at Cheska Garcia.




Tapos habang nagkukuwentohan sila, nasabi ni Ryan Bang ang mga detalye sa bagong segment nila sa It's Showtime. Di nya kasi alam na c Danica Sotto pala ay anak ni Vic Sotto, na host ng Eat Bulaga.




Ayon kay Ryan Bang, pinakiusapan nya c Danica na wag sabihin ang naikuwento nito sa tatay nya at pumayag naman daw si Danica.




At ito naman ang nasabi ni Ryan Bang sa It's Showtime kanina: "Direk, sorry po talaga. Naikuwento ko lahat ng segment ng show, kasi akalain ko ba na tatay niya si Bossing. Pero direk, promise ni Danica na hindi siya magkukuwento sa tatay niya"




Sambit pa nya: "Danica, huwag mo ikuwento kay Bossing, baka matanggal ako dito,"




At pabirong sabi pa nya: "Bossing, kahit sabihin sayo ng anak mo, huwag mong gawin doon." Panoorin ang video sa baba.





Share your opinion below po!

Load disqus comments

0 comments